dzme1530.ph

AKSYON NG NAMRIA PARA SA PAGGAWA NG MAPA SA WEST PHILIPPINE SEA, IPINASUSURI SA SENADO

Loading

INIHAIN ni Senador Rodante Marcoleta ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado kung nagawa na ang opisyal na mapa ng Pilipinas na malinaw na nagpapakita ng nasasakupan nito sa West Philippine Sea.

 

Sa kanyang Resolution No. 291, binigyang-diin ni Marcoleta na noong 2012 pa inisyu ang Administrative Order No. 29 na nag-uutos sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na gumawa at magsapubliko ng mga charts at opisyal na mapa ng Pilipinas na naglalarawan ng West Philippine Sea.

 

Ayon sa resolusyon, kasama sa kautusan ang pagdeposito ng opisyal na mapa sa United Nations at iba pang international organizations. 

 

Gayunman, sinabi ni Marcoleta na hanggang ngayon ay hindi pa ito naisakatuparan.

 

Tinukoy din ng senador ang naging pahayag ng NAMRIA noong Nobyembre 2024 na ilalabas na nito ang bagong mapa, ngunit hihintayin muna umano ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Philippine Maritime Zones Act.

 

Ayon pa sa senador, mahalagang magkaroon ng malinaw na mapa na magtatakda ng eksaktong coordinates o metes and bounds ng inaangkin ng Pilipinas sa karagatan upang maging tiyak ang saklaw ng teritoryo nito.

About The Author