dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY SA MRT SA FEB. 14

Loading

Magbibigay ang Metro Rail Transit Authority ng libreng sakay para sa mga PhilHealth cardholders, sa araw ng mga puso, sa February 14.
 
Ayon sa Department of Transportation, ang libreng sakay ay ipatutupad 7am hanggang 9am at mula 5pm hanggang 7pm.
 
Ito ay bilang suporta sa pagdiriwang ng 31st anniversary ng PhilHealth at National Health Insurance Month.
 
Upang maka-avail ng libreng sakay, kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang PhilHealth physical o Digital ID.

About The Author