dzme1530.ph

UNANG GABI NG BUROL NI JOSE DE VENECIA JR.

Loading

Nagtipon-tipon ang mga opisyal ng pamahalaan, mga kasamahan sa trabaho, mga miyembro ng pamilya, at mga kaibigan sa unang gabi ng burol ni yumaong House Speaker Jose De Venecia Jr. sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

 

Kabilang sa mga dumalaw sa burol kagabi ay sina dating House Speaker Martin Romualdez; Senators Sherwin Gatchalian, Migz Zubiri, Loren Legarda, Mark Villar at Kiko Pangilinan; Comelec Chairman George Garcia; dating Vice President Jejomar Binay; former Senators Cynthia Villar at Mar Roxas.

 

Gayundin ang aktres na si Helen Gamboa at Anak nito na si MTRCB Chairperson Lala Sotto; dating Interior Secretary Benhur Abalos; at Dating Cong. Mike Arroyo.

 

Pumanaw si De Venecia noong Martes sa edad na 89.

 

Ayon sa kanyang pamilya, binawian ng buhay ang five-time Speaker of the House bunsod ng health complications dulot na rin ng kanyang edad.

About The Author