![]()
KINUMPIRMA ni Senador Panfilo Ping Lacson na irerekomenda nila sa Anti-Money Laundering Council na itrack na rin ang galaw ng accounts ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa gitna ito ng pagrerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng case build up laban kay Romualdez kaugnay sa pagkakasangkot sa flood control anomalies.
Sinabi ni Lacson na dahil nabanggit din si Romualdez sa imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee kaya’t irerekomenda nila na pag-aralan ang lahat ng nakalap na ebidensya laban sa kongresista.
Kung makakita anya ng sapat na ebidensya na susuporta sa alegasyon ni Orly Guteza kaugnay sa paghahatid ng male-maletang pera sa bahay ni Romualdez ay irerekomenda nila sa kanilang final report na isailalim sa preliminary investigation ang dating speaker.
Matatandaang una na ring inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman na magsagawa pa ng imbestigasyon kaugnay sa posibleng kaugnayan ni Romualdez sa anomalya.
