dzme1530.ph

Hollywood actor Ben Affleck, magbabalik sa pagdi-direk ng pelikula

Isang dekada makalipas manalo ng Oscar Best Picture para sa pelikulang “Argo,” nagbabalik si Ben Affleck sa kanyang actor-director’s chair para sa panibagong paglalahad ng istorya na hango sa tunay na buhay.

Si Ben ang magsisilbing director ng pelikulang “Air” at gaganap bilang Phil Knight, ang founder ng Nike, at nagbigay katuparan sa noo’y imposibleng paglikha ng sneaker brand, ka-tie up ang basketball legend na si Michael Jordan.

Sinabi ng actor-director na nais niyang gumawa ng pelikula na mamahalin ng mga tao at pag-uusapan base sa performance, kuwento, at execution. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author