Umatras ang multi-awarded libero na si Kath Arado mula sa Philippine Women’s Volleyball team para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Cambodia.
Si Arado na reigning best libero ng Premier Volleyball League ay kasama dapat ng koponan sa kanilang Japan Training Camp bago lumipad patungong Cambodia para sa Sea Games sa Mayo.
Papalit naman sa binakanteng posisyon ni Arado si Bang Pineda na libero ng Akari Chargers.
Pamumunuan ni Alyssa Valdez ang national team, kasama ang lima pang players mula sa Creamline na sina Jia De Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Ced Domingo, at Michele Gumabao. —sa panulat ni Lea Soriano