![]()
Nahaharap si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa panibagong reklamo kaugnay ng anti-administration rally sa Forbes Park Village sa Makati City.
Bukod pa ito sa mga criminal complaints na Inciting to Sedition at Inciting to Rebellion na isinampa ng pulisya na may kinalaman sa marahas na kilos protesta sa Maynila noong Sept. 21.
Gayunman, hindi nagbigay si Police Major Gen. Roberto Morivo II, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ng iba pang detalye tungkol sa reklamo, sa pagsasabing ayaw nitong mapangunahan ang preliminary investigation na isinasagawa ng prosekusyon.
Magugunitang pinangunahan ng 27-anyos na kongresista ang demonstrasyon noong Okt. 12 ng gabi sa Forbes Park, na inilarawan nito bilang tahanan ng mga korap na opisyal, upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng flood control scandal.
