dzme1530.ph

Ebidensya laban kay Rep. Romualdez sa flood control issues, wala pa —PBBM

Loading

Tahasang sinabi ni Pang. Bongbong Marcos Jr. na wala pang ebidensya na magdidiin kay former House Speaker Martin Romualdez sa flood control anomalies.

Sa media briefing ng Pangulo, sinabi nito na tanging sa Senado pa lamang may nagsasangkot sa kanyang pinsan sa flood control controversies.

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi pa nakakasama ang pangalan ni Romualdez sa mga sinasampahan ng kaso.

Ayon sa Pangulo, kung may lulutang at may maipapakitang ebidensya laban kay Romualdez, doon lamang umano maaaring kasuhan ang kaniyang pinsan.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nagsasampa sila ng kaso para may maipakulong at managot sa taumbayan, at hindi lamang “for optics.”

About The Author