![]()
Opisyal nang iprinoklama ng Comelec en banc si Atty. Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan bilang bagong kinatawan ng Ako Bicol Party-List sa Kamara, kapalit ng nagbitiw na si Zaldy Co.
Personal na nagtungo si Chan sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila, kahapon, kung saan siya ang iprinoklama ng mga miyembro ng poll body sa pamumuno ni Chairman George Garcia.
Si Chan ang ikatlong nominee ng Ako Bicol. Makakasama nito sa Kongreso si Rep. Alfred Garbin, ang second nominee ng partido.
Ang Ako Bicol Party-List ay nakakuha ng dalawang upuan sa House of Representatives sa nagdaang 2025 national and local elections.
