dzme1530.ph

Zaldy Co, mag-asawang Discaya, kabilang sa mga unang pananagutin sa flood control scandal —DPWH chief

Loading

Pinangalanan ni Public Works Sec. Vince Dizon sina resigned Cong. Zaldy Co, dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, at mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na kabilang sa mga unang pananagutin at makukulong bunsod ng flood control scandal.

Tinukoy ni Dizon ang unang dalawang kaso na inihain sa Office of the Ombudsman, na kinabibilangan ng “ghost” projects sa Bulacan at Oriental Mindoro.

Sa projects sa Bulacan, maharap aniya sa pagkakakulong ang mag-asawang Discaya, si Alcantara, dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez, at iba pa.

Sa Oriental Mindoro naman na una nang inanunsyo ng Ombudsman na kakasuhan sa Sandiganbayan sa mga darating na araw, ay kinabibilangan ni Co, kumpanyang Sunwest, at Discaya couple.

Idinagdag ng kalihim na sa dalawang kaso pa lang, nasa halos apatnapung katao na ang mga unang inaasahang makukulong dahil non-bailable ang kanilang mga kaso.

About The Author