dzme1530.ph

4.5 milyong tao, naapektuhan ng bagyong Uwan —OCD

Loading

Aabot sa apat punto limang milyong tao mula sa labing-isang libo at isandaang barangay sa buong bansa ang naapektuhan ng super typhoon Uwan.

Ayon sa Office of Civil Defense, hanggang kahapon ng tanghali, ang bilang ng mga apektadong indibidwal ay katumbas ng isa punto tatlong milyong pamilya.

Sinabi ng OCD na nananatili naman sa dalawampu’t pito ang bilang ng mga nasawi habang tatlumpu’t anim ang nasugatan at dalawa ang nawawala.

Samantala, nasa 196,000 individuals o 7,700 families ang nanunuluyan pa rin sa sampung libong evacuation centers.

About The Author