![]()
Pinanindigan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroon siyang unofficial copy ng arrest warrant na umano’y inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni Remulla na bilang journalist sa kanyang Saturday program, isiniwalat niya na nag-isyu na ng warrant ang ICC laban sa senador, kaugnay ng umano’y crimes against humanity na may kinalaman sa war on drugs sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nasa kanyang phone ang kopya ng dokumento na bagaman unofficial, ay batid niyang umiiral.
Nilinaw din ng Ombudsman na kailangang dumaan ng dokumento sa kinakailangang channels bago ito maipatupad.
