dzme1530.ph

Rekomendasyon ng ICI, pag-aaralan ng legal team ni Sen. Villanueva

Loading

Nanindigan si Senador Joel Villanueva na wala siyang kinalaman sa umano’y ghost flood control projects na naging sentro ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ito ay matapos irekomenda ng komisyon na sampahan siya at ilan pang opisyal ng mga kasong plunder, bribery, at graft.

Sinabi ni Villanueva na hihintayin muna niya ang opisyal na kopya ng referral ng ICI sa Office of the Ombudsman bago maglabas ng mas detalyadong tugon.

Ayon sa senador, pag-aaralan ng kanyang mga abogado ang basehan ng desisyon ng ICI na isama siya sa mga irerekomendang kasuhan.

Iginiit din ni Villanueva na malinaw sa mga rekord ng Senado na simula’t sapul ay tinutulan na niya ang mga flood control projects na ngayo’y iniimbestigahan.

Binigyang-diin pa ng senador na maging si dating Bulacan District Engineer Henry Alcanta ay consistent sa kanyang testimonya na wala siyang kinalaman sa mga nasabing proyekto.

About The Author