![]()
Isinapubliko na rin ng tatlo pang senador ang kani-kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Sa kanyang SALN, idineklara ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang halaga ng kanyang real properties at personal properties ay umaabot sa P110.66 milyon, habang ang kanyang liabilities o utang ay nasa mahigit P1.5 milyon. Dahil dito, ang kanyang net worth ay P109.131 milyon.
Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa naman ay may total assets na P61.31 milyon, liabilities na P29.021 milyon, at net worth na P32.293 milyon.
Samantala, si Senador Imee Marcos ay may total assets at net worth na P164.995 milyon at wala itong naitalang utang.
Dahil dito, kumpleto na ang 24 na senador na naglabas ng kanilang SALN.
Nananatiling pinakamayamang senador si Senador Mark Villar na may higit P1.2 bilyong net worth, habang si dating Senate President Chiz Escudero naman ang may pinakamababang net worth na P18.84 milyon.
