![]()
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tatlong rehistradong air assets na konektado kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ang nakalabas na ng bansa.
Ayon sa CAAP, dalawang AgustaWestland helicopter ang kasalukuyang nasa Kota Kinabalu, Malaysia, na umalis ng Pilipinas noong Agosto 20 at Setyembre 11.
Samantala, ang Gulfstream aircraft ni Co ay nasa Singapore, matapos lumipad mula sa bansa noong Agosto 16.
Tiniyak ng CAAP na patuloy nitong binabantayan ang lahat ng mga rehistradong air assets ni Co alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon sa civil aviation.
