dzme1530.ph

Paghirang kay Sec. Remulla, bilang Ombudsman, sadyang plinantsa, ayon kay Sen. Marcos

Loading

Sadyang plinantsa ang paghirang kay Justice Sec. Jesus Remulla bilang bagong Ombudsman.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Imee Marcos na nagsabing hindi na ito nagulat nang lumabas ang pangalan ni Remulla.

Makikita aniya sa mga hakbang ng Judicial and Bar Council na isinaayos ang proseso para bigyang-daan si Remulla.

Ito aniya ang dahilan kaya’t isinulong niyang ma-defer ang confirmation ng appointment ni dating Justice Jose Catral Mendoza sa JBC.

Ang pagtatalaga aniya kay Remulla sa Ombudsman ay bahagi ng plano para maipakulong si Vice President Sara Duterte.

About The Author