dzme1530.ph

Motorcycle sales, lumobo ng 11.8% sa unang walong buwan ng 2025

Loading

Pumalo sa 1.23 million units ang kabuuang bilang ng mga naibentang motorsiklo mula Enero hanggang Agosto 2025.

Ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. (MDPPA), mas mataas ito ng 11.8 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ng MDPPA na umabot ang kanilang August sales sa 133,689 units, mas mataas ng 18.4 percent kumpara sa kaparehong buwan noong 2024.

Inilarawan ng grupo ang Philippine demand bilang “sustained,” dahil sa affordability at practicality ng mga produkto, sa kabila ng patuloy na pagsisikip ng mga lansangan.

About The Author