dzme1530.ph

PBBM, tututukan ang social programs at edukasyon bago magtapos ang kanyang termino

Loading

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang social programs at edukasyon sa mga natitirang taon ng kanyang panunungkulan.

Sa isang episode ng BBM Podcast, tinanong ang Pangulo kung ano ang kanyang mga prayoridad sa mga susunod na taon at kung ano ang kanyang magiging legasiya.

Sa ngayon, sinabi ni Marcos na hindi pa nito iniisip ang tungkol sa legasiya, dahil hindi pa naman aniya ito mamamatay.

Kasabay nito, binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga para sa publiko na mayroong makakain, matitirahan, at maayos na healthcare system.

Kapag naabot na umano ang mga ito, susunod namang tututukan ng kanyang administrasyon ang sektor ng edukasyon, dahil hindi aniya magkakaroon ng matagumpay na lipunan kung walang well-educated society.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na dapat tiyakin na ang mga susunod na henerasyon ay well-educated.

About The Author