dzme1530.ph

Sen. Lacson, hinimok muling ikonsidera ang pagbibitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Nanawagan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kay Senator Panfilo “Ping” Lacson na muling pag-isipan ang kanyang pagbibitiw bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Pangilinan na buo pa rin ang tiwala at suporta ng majority bloc kay Lacson sa gitna ng imbestigasyon sa flood control anomalies.

Ipinaliwanag ng senador na kahit may ilang hindi sumang-ayon sa ilang pahayag ni Lacson, naayos na ito sa caucus noong October 1.

Pinuri rin ni Pangilinan ang pagiging sensitibo ni Lacson sa mga kapwa senador, at umaasang sa tulong ng suporta ng majority bloc ay mapapanatili niya ang kanyang liderato sa komite.

About The Author