dzme1530.ph

PCG nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa Bulalacao, Oriental Mindoro

Loading

Patuloy ang serbisyong publiko ng Philippine Coast Guard matapos magsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Bulalacao sa Sitio Tabuk, Barangay Poblacion, Bulalacao, Oriental Mindoro, kahapon, Setyembre 25.

Ang hakbang ay bilang paghahanda sa paparating na Severe Tropical Storm Opong, na inaasahang tatama sa Timog Katagalugan, kabilang ang Oriental Mindoro.

Mahigit dalawampung pamilya o katumbas ng 79 residente ang ligtas na nailikas, kabilang ang 11 sanggol at 7 senior citizens.

Pansamantala silang nanunuluyan sa Bulalacao Central School sa Barangay Poblacion para matiyak ang kanilang kaligtasan habang nananatiling nakaalerto ang mga awtoridad.

About The Author