dzme1530.ph

Rep. Eric Yap, itinanggi ang pagkakadawit sa flood control anomaly

Loading

Mariing pinabulaanan ni Benguet Representative Eric Yap ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Sa isang pahayag, sinabi ni Yap na labis siyang nalungkot nang mabanggit ang kanyang pangalan sa Senate Blue Ribbon hearing. Giit nito, kailanman ay hindi siya tumanggap o nagbigay ng otorisasyon para sa pag-deliver ng pera na may kinalaman sa flood control projects.

Dagdag pa ng mambabatas, bilang isang public servant ay accountable siya sa taumbayan, kaya’t handa niyang harapin ang mga nag-aakusa sa tamang forum na igagalang ang kanyang constitutional rights. Aniya, utang niya sa kanyang mga constituents, pamilya, at sa sambayanang Pilipino na linisin ang kanyang pangalan.

Binigyang-diin ni Yap na inuuna niya ang serbisyo higit sa pansariling interes at umaasa itong sa huli ay mangingibabaw ang hustisya at mapapanagot ang mga nasa likod ng iregularidad.

About The Author