Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado na ang ilang biyahe ng Philippine Airlines bunsod ng masamang panahon dahil sa Bagyong Opong.
Kabilang dito ang PAL Flights PR2653 at 2654 na biyahe ng Cebu-Catarman vice versa, at PR2671 at 2672 na rutang Manila-Calbayog at pabalik.
Samantala, nag-alok naman ang Cebu Pacific ng flexible options para sa mga pasaherong nais ipagpaliban ang kanilang flights sa mga lugar gaya ng Butuan, Calbayog, Legazpi o Daraga, Masbate, Naga, San Jose sa Mindoro, Siargao, Surigao, Tacloban, at Virac sa Catanduanes.
Maaaring mag-avail ang mga pasahero ng libreng rebooking o travel fund hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang byahe.
Pinapayuhan rin ang publiko na manatiling nakasubaybay sa lagay ng panahon at imonitor ang kanilang flight schedule hanggang Sabado dahil sa pagtama ng bagyo.