Pinuri ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mabilis na aksyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pagpapalawak ng freeze orders na sumasaklaw hindi lang sa bank accounts kundi maging sa investments at personal na ari-arian ng mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ani Gatchalian, ito ay mahalagang hakbang upang mapanagot ang mga nagwawaldas ng pondo ng bayan at maibalik sa gobyerno ang perang ninakaw.
Dagdag pa nito, dapat pang palakasin ang AMLC upang mas mapabilis ang pagtukoy at pagpigil sa mga kasong may kinalaman sa pandarambong at katiwalian.