dzme1530.ph

Engr. Brice Hernandez, posibleng tanggalan ng legislative immunity

Loading

Posibleng bawiin ng Senado ang legislative immunity na ibinigay kay Engineer Brice Hernandez, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson.

Ito’y matapos tumanggi si Hernandez na isuko ang kanyang computer na pinaniniwalaang naglalaman ng mahahalagang files kaugnay sa imbestigasyon ng anomalya sa flood control projects.

Pinaalala ni Lacson na ang pagbibigay ng immunity ay nakabatay sa buong kooperasyon at pagsasabi ng katotohanan ng isang resource person.

Dagdag pa nito, walang kompetisyon sa pagitan ng Senado at ng Independent Commission on Infrastructure kung sino ang dapat maghawak ng naturang ebidensya, kundi ang usapin ay ang pagtanggi ni Hernandez na tuparin ang kanyang pangako na makipagtulungan.

Inaasahang pagdedesisyunan ng kumite kung tuluyang aalisin ang legislative immunity ni Hernandez.

About The Author