dzme1530.ph

Filipino olympian EJ Obiena, namayagpag sa world pole vault challenge

Loading

Matagumpay na nadepensahan ni Filipino Olympian EJ Obiena ang kanyang balwarte matapos mamayagpag sa Atletang Ayala World Pole Vault Challenge na ginanap sa Ayala Triangle Gardens, Makati City.

Na-clear ni Obiena ang 5.80 meters sa kanyang second attempt para makuha ang first place sa pamamagitan ng countback.

Natawid din ni Thibaut Collet ng France ang kaparehong taas, subalit umabot ito hanggang sa ikatlong attempt.

Samantala, nasungkit ni Piotr Lisek ng Poland ang bronze medal matapos ma-clear ang 5.60 meters.

Itinampok din sa naturang event ang iba pang top pole vaulters sa mundo gaya nina World No. 5 Ersu Sasma ng Turkey, Menno Vloon ng The Netherlands, Oleg Zernikel ng Germany, at isa pang Pinoy bet na si Hokett Delos Santos.

About The Author