dzme1530.ph

Filipinas, dinurog ang Tajikistan para makapasok sa ikalawang round ng Olympic Qualifiers

Dinurog ng Philippine Women’s National Football Team para sa second round ng Olympic Qualifying Tournament ang host na Tajikistan, sa score na 8-0, sa Hisor Central Stadium.

Anim na goals ang naitala ng Filipinas sa first half mula kina Sofia Harrison, Tahnai Annis, Carleigh Frilles, Quinley Quzada, Meryl Serrano at Maya Alcantara habang dalawa sa second half mula kay Chandler Mcdaniel.

Maka-a-abante ang Filipinas sa susunod na round ng qualification phase para sa 2024 Paris Games kapag nanalo ang koponan sa laban nito sa hong kong bukas, na una nang nagpadapa sa Tajikistan at Pakistan.

Ang mananalong grupo mula sa Group B ang makapapasok sa susunod na round ng Olympic Qualifiers.

About The Author