dzme1530.ph

Pagbabawal ng online gambling ads sa mga billboards, welcome development —Ejercito

Loading

Ikinatuwa ni Sen. JV Ejercito ang kautusan ng PAGCOR na ipagbawal ang outdoor billboard advertisements ng online gambling, lalo na sa mga pangunahing lansangan.

Ayon sa senador, malinaw itong pahayag kung anong values ang nais panatilihin sa mga pampublikong espasyo, lalo na para sa kabataan.

Dagdag niya, ang ganitong ads ay tumatarget sa mga ordinaryong Pilipinong nagsusumikap pero nahihikayat pa ring magsugal dahil sa accessibility at tila pagtanggap ng lipunan.

Nagbabala si Ejercito na kung hindi magiging maingat ang pamahalaan, mas maraming Pilipino, kabilang ang kabataan, ang mahihikayat sa online gambling dahil sa exposure.

Umaasa ang senador na ito ang magiging simula ng mas mahigpit na regulasyon laban sa online gambling sa bansa.

About The Author