Hinimok ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang mga fixer na maghanap na ng bagong trabaho kasunod ng paglulunsad ng online renewal ng driver’s license sa pamamagitan ng eGov PH app.
Ayon kay Dizon, hindi na kailangan ng fixer dahil maaari nang direktang makapag-transaksyon ang mga motorista sa app nang mabilis, ligtas, at walang dagdag na bayad.
Dagdag pa ng kalihim, malaking tulong ito para maiwasan ang pananamantala at panloloko ng mga fixer sa publiko.