Magpapatupad ng dagdag-singil ang Meralco ngayong Hulyo na aabot sa ₱0.4883 per kilowatt-hour.
Sa abiso, tataas sa ₱12.6435 per kWh ang overall household rate mula sa dating ₱12.1552 per kWh noong Hunyo.
Nag-ugat ang taas-singil sa mas mataas na generation charge, dulot ng pagmahal ng fuel sa world market at paghina ng piso.
Tinatayang aabot sa ₱98 ang dagdag sa buwanang bill ng kumukonsumo ng 200 kWh.
Naitala ang power rate increase matapos ang dalawang buwang sunod-sunod na rollback na may kabuuang ₱0.8575 per kWh.