Nagpaabot ng pasasalamat si dating Presidential Communications Office (PCO) Sec. Jay Ruiz kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng pagtatapos ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng PCO.
Ayon kay Ruiz, marami siyang natutunan sa halos limang buwang pagsisilbi sa ahensya at personal niyang nasaksihan ang aniya’y “nobility” o dangal ng tunay na serbisyo publiko.
Papalitan si Ruiz ng veteran print journalist na si Dave Gomez, na siya na ngayong uupong bagong PCO secretary.
Samantala, ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro, magsisilbi na si Ruiz bilang board member ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).