dzme1530.ph

NBN-ZTE whistleblower na si Jun Lozada, nakalaya na mula sa Bilibid

Loading

Kumpirmado ng Bureau of Corrections (BuCor) na nakalaya na mula sa New Bilibid Prison si Rodolfo Noel “Jun” Lozada, whistleblower sa NBN-ZTE deal.

Mayo 9 pa nang makalaya si Lozada at ang kaniyang kapatid na si Jose Orlando matapos mapagsilbihan ang kanilang minimum sentence.

Taong 2007 nang akusahan sila ng Ombudsman ng partiality at pagbibigay ng unwarranted benefits sa ilalim ng Lupang Hinirang Program ng Philippine Forest Corporation.

Noong Agosto 2016, hinatulan ng Sandiganbayan ng guilty sa kasong graft ang magkapatid.

About The Author