dzme1530.ph

Voter registration para sa barangay at SK elections, magpapatuloy sa Agosto – COMELEC

Loading

Magpapatuloy ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Disyembre.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, layunin nito na makaboto ang mga kabataang edad 15 hanggang 17 kung matutuloy ang halalan sa Disyembre 1.

Hindi pa nilalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagsusulong ng paglipat ng BSKE sa Nobyembre 2026.

About The Author