Bring him home alive.
Ito ang pinakahuling panawagan ni Sen. Christopher Bong Go sa gobyerno kaugnay sa kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t isinusulong nila ang resolusyon para sa repatriation sa dating lider.
Kinumpirma ni Go ang impormasyon na buto’t balat na ngayon ang kalagayan ng dating Pangulo, batay na rin sa kuwento sa kanya ni Kitty Duterte, dahil nang imasahe umano nito ang likod ng ama ay wala na siyang maramdamang laman.
Ipinaalala ng senador na nagserbisyo sa bayan ang dating Pangulo at minahal niya ang mga Pilipino kaya’t hindi umano nararapat para sa kanya ang kanyang sitwasyon ngayon.
Kinumpirma rin ni Go ang sinasabing huling habilin ng dating Pangulo kaugnay sa kanyang kamatayan.
Pero nararapat umanong dito sa sariling bansa natin mamatay ang dating Pangulo at hindi sa dayuhang bansa.
Kinumpirma rin ni Go na sa ngayon ay wala ring access sa dating Pangulo ang kanyang mga doktor.