dzme1530.ph

Mga kawani ng gobyerno na mamimigay ng ayuda sa hindi kwalipikadong benepisyaryo, iginiit na patawan ng parusa

Loading

Inihain ni Sen. Erwin Tulfo ang panukala na magpapataw ng parusa sa mga kawani ng gobyerno na magpapatupad ng diskriminasyon at mayroong kinikilingan sa pamimigay ng ayuda.

Alinsunod sa panukala, makukulong ng isa hanggang anim na taon at hindi na rin makakabalik sa gobyerno ang mga kawani na mapatutunayang nagbigay ng ayuda sa mga hindi kwalipikadong benepisyaryo, kabilang na ang cash, food stubs, medical-livelihood, o relief packages.

Kahalintulad na parusa rin ang ipapataw kapag tinanggal sa listahan o hindi binigyan ng ayuda ang mga talagang kwalipikadong benepisyaryo, at kapag ginawang prayoridad ang kanilang mga kamag-anak na hanggang third degree o mula sa kanilang immediate family hanggang sa lolo o lola, pinsan, tiyahin o tiyuhin, at pamangkin.

Sinabi ng mambabatas na nakatanggap siya ng maraming reklamo ukol sa mga kawani ng gobyerno na namimili ng benepisyaryo batay sa kanilang personal na konsiderasyon.

Binigyang-diin ng mambabatas na labag ito sa prinsipyo ng transparency at accountability, kung saan dapat laging tiyakin ng gobyerno na makatwiran ang distribusyon ng ayuda.

About The Author