dzme1530.ph

Bagong tagapagsalita ng OVP, itinalaga na ngayong araw

Loading

Itinalaga bilang bagong tagapagsalita ng Office of the Vice President si dating Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo.

Ayon kay Castelo, hindi na kinailangang pilitin siya upang tanggapin ang posisyon, dahil nais din niyang makatulong.

Sinabi rin umano sa kanya ni Vice President Sara Duterte na ang pangunahing inaasahan mula sa kanya ay ang pagiging tapat sa OVP, partikular sa pagpapalaganap ng mga programa at proyektong itinataguyod ng Pangalawang Pangulo.

Sa press conference na isinagawa sa OVP Central Office ngayong araw, Hulyo 9, 2025, inanunsyo ni Castelo na natanggap na ng OVP ang annual audit report ng Commission on Audit (COA), kung saan nakatanggap ang opisina ng unmodified opinion sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.