dzme1530.ph

Total ban sa online gambling, sinalag ng PAGCOR

Loading

Sinalag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang panukalang total ban sa online gambling sa bansa.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, mas makabubuting magpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na regulasyon sa online gambling imbes na total ban.

Kamakailan ay naghain si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang lahat ng anyo ng online gambling sa Pilipinas.

Habang sa inihain namang panukala ni Senator Sherwin Gatchalian, isinusulong ang pagbabawal sa paggamit ng e-wallets na konektado sa mga electronic gambling platforms.