dzme1530.ph

Pamahalaan, planong dagdagan ang domestic borrowings para pondohan ang lumulobong deficit

Loading

Plano ng pamahalaan na dagdagan ang pangungutang mula sa domestic market para pondohan ang lumalawak na budget deficit.

Ayon kay National Treasurer Sharon Almanza, isinasapinal pa nila ang mga detalye ng kanilang borrowing program, subalit target pa rin nila ang 80-20 na local to foreign na funding split.

Target ng gobyerno na itaas ang kanilang borrowing program sa ₱2.6 Trillion ngayong taon mula sa ₱2.55 Trillion noong 2024.

Noong nakaraang linggo ay itinaas ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang budget deficit ceiling sa ₱1.561 trillion para sa taong 2025, o 5.5% ng Gross Domestic Product (GDP) mula sa 5.3% noong nakaraang taon.

About The Author