dzme1530.ph

Pagluluwag ng DTI sa mga kumpanya ng vape products, pinabubusisi

Loading

Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang Department of Trade and Industry dahil sa sinasabing pagiging maluwag sa mga kumpanya ng vape products.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, chairman ng Blue Ribbon Committee, gumawa ang DTI ng mga alituntunin at paulit-ulit na extension na umantala sa pagpapaalis sa merkado ng mga kumpanya ng vape products na hindi sumusunod sa patakaran.

Nagdagdag aniya ang kagawaran ng supplemental rules sa Vape Law na maaaring ituring na usurpation o paggamit ng kapangyarihan ng Kongreso na posible ring paglabag sa anti graft and corrupt practices law.

Nakita rin ng kumite na kuwestiyonable ang pagpapadala ng DTI ng 34 na tauhan sa 10th Conference of the Parties ng World Health Organization ukol sa Tobacco control sa Panama noong February 2024.

Ito ay dahil mas marami pang delegado ang Pilipinas kumpara sa malalaking bansa tulad ng China at Russia.

Nabigyan pa aniya ang Pilipinas ng dirty ashtray award na malaking kahihiyan dahil ito ay maituturing na pag-reprimand sa mga bansang nagsusulong ng interest ng tobacco industry.

Iginiit din na amyendahan ang Republic Act 11900 o Vape Law upang maibalik sa Food and Drug Administration mula sa DTI ang regulasyon sa vape products.

Isinusulong din na itaas sa 21 years old ang mga papayagang bumili ng vape at lilimitahan ang flavors sa plain tobacco at menthol.

About The Author