dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na magpatupad ng mas malakas na kampanya laban sa bullying sa mga paaralan

Loading

Kasabay ng pagdiriwang ng National Safe Kids Week, nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian ng mas pinaigting na hakbang laban sa pambu-bully sa mga paaralan.

Iginiit din ng senador na dapat tiyaking maging ligtas at walang takot ang mga bata sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay Gatchalian, kinakailangan ng tuluy-tuloy at pinahusay na mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kabilang sa inirerekomenda ng mambabatas ang pagpapalakas ng partisipasyon ng mga magulang sa pagdidisiplina, pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC), paglalagay ng mas maraming CCTV sa mga paaralan, pagtatalaga ng mas maraming Guidance designates, at pagkuha ng karagdagang security personnel.

Bahagi ng adbokasiya ni Gatchalian ang pagtutok sa mental health at well-being ng mga estudyante, kasabay ng pagbibigay-diin sa karapatang makapag-aral sa ligtas at maayos na kapaligiran.

Ang Safe Kids Week ay taunang selebrasyon na layuning isulong ang kaligtasan ng mga kabataan, lalo na sa mga institusyong pang-edukasyon.

About The Author