dzme1530.ph

Paratang na nag-aabogado kay VP Sara, itinanggi ni Atty. Tongol

Loading

Pinabulaanan ni Senate Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol ang alegasyon na nag-aabogado siya kay Vice President Sara Duterte.

Iginiit ng tagapagsalita na wala siyang pinapanigan, dipensa man o prosekusyon, at lalong hindi niya nililito ang publiko.

Ipinaliwanag niya na ang kaniyang mga naging sagot kaugnay sa mga posibleng senaryo ay batay lamang sa kaniyang mga karanasan bilang abogado.

Bahagi aniya ito ng kaniyang tungkulin hindi lamang bilang spokesperson kundi bilang abogado.

Muling iginiit ng abogado na independent ang kilos ng Senate Impeachment court at committed sila sa neutrality, fairness at due process.

Sa press briefing sa Senado, sinabi ng abogado na isa sa posibleng senaryo ay ang paghahain ng kampo ng Bise Presidente ng motion to dismiss sa halip na sagutin ang articles of impeachment.

Ito aniya ay batay na rin sa ad cautelam o may pag iingat na notice of appearance ng mga abogado ni VP Sara.

About The Author