dzme1530.ph

Dagdag pondo para sa pagtatayo ng classrooms, igigiit

Loading

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pangangailangang tugunan ang matagal nang problema sa kakulangan ng silid-aralan, upuan, at iba pang pasilidad sa mga paaralan, lalo na sa mga lungsod.

Ayon kay Gatchalian, inaasahang aabot sa 27 milyon ang bilang ng mga mag-eenroll sa taong ito, dahilan upang lalong lumala ang siksikan sa mga silid-aralan.

Bilang tugon, sinabi ng senador na kabilang sa kaniyang mga prayoridad sa darating na budget deliberations ay ang pagpapalawak ng pondo para sa konstruksyon ng mga bagong classroom.

Bukod sa pondo, binigyang-diin din ni Gatchalian ang kahalagahan ng tinatawag na “absorptive capacity” o ang kakayahan ng mga ahensya na maisakatuparan agad ang mga proyekto.

Dapat sabay aniyang inaayos ang sistema ng pagpapatupad ng mga proyekto kasabay ng pagdagdag ng pondo, upang agad na maramdaman ng mga guro at mag-aaral ang pagbabago sa kalidad ng kanilang mga paaralan.

About The Author