dzme1530.ph

LWUA, tinatapos na ang kanilang report matapos imbestigahan ang serbisyo ng Prime Water

Loading

Tinatapos na ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang kanilang report sa operasyon ng Prime Water, kasunod ng mga reklamo sa palpak na serbisyo ng water service provider.

Sa palace press briefing, kanina, sinabi ni LWUA President, Atty. Jose Moises Salonga, na hindi pa nila maaring isiwalat ang report dahil isusumite pa nila ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Idinagdag ni Salonga na plano rin nilang magpatupad ng short-term at systematic long-term solutions para matugunan ang mga reklamo laban sa Prime Water.

Ito aniya ay dahil utilities ang pinag-uusapan, at hindi talaga ito nareresolba nang mabilisan.

About The Author