Ipinagdiwang nina Toni Gonzaga at Paul Soriano ang kanilang 10th wedding anniversary sa pamamagitan ng pagre-renew ng kanilang vows.
Sa Instagram, ibinahagi ni Toni ang mga litrato mula sa ceremony, at nilagyan ng caption na “I still do… 2015 | 2025.”
Sa mga larawan ay makikita ang host/actress na nakasuot ng kulay puti at may hawak na bouquet of tulips sa isang flower-filled venue.
May kuha rin na yakap ni Toni ang mister, at karga ni Paul ang kanilang mga anak na sina Seve at Polly.
Sina Toni at Paul ay ikinasal sa Taytay, Rizal noong 2015.
Dumating sa kanilang buhay si Seve noong 2016 habang si Polly ay noong 2023.