Nilinaw ng Malakanyang na hindi tutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa wage hike.
Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang paglilinaw, matapos kunan ng reaksyon sa sinabi ng Kabataan party-list, na si Marcos ang pumatay sa panukalang batas na naglalayong itaas ang sweldo ng mga manggagawa, dahil pinapaboran nito ang “Rich Boys Club.”
Inihayag ni Castro na hayaan nalang muna ang usapin sa kongreso, at hindi naman aniya tutol ang Pangulo sa wage hike dahil makabubuti ito sa mga manggagawa.
Gayunman, ipinaliwanag ng Palace official na mayroong proseso na kailangan sundin sa pagbibigay ng umento sa sahod.
Hindi nagkasundo ang bersyon ng Senado at Kamara sa proposed wage increase, at nag-adjourn sine die na ang 19th Congress, kaya naman kailangang i-raffle muli ang naturang bill sa 20th Congress.