Mas kaunti ang natanggap na vote-buying at vote-selling reports ng Comelec sa nagdaang 2025 Midterm Elections.
Ayon sa Comelec Committee on Kontra Bigay (CKB), kabuuang 1,126 incidents ng vote-buying at vote-selling ang ini-report sa poll body, as of June 5.
Mas mababa ito kumpara sa 1,200 na naitala noong 2022 National Elections.
Sa naturang pigura, 677 ay may kinalaman sa vote-buying at vote-selling habang 227 ang iniuugnay sa abuse of state resources.
Pinakamarami ang natanggap na reklamo mula sa Regions 3, 4A, NCR, 5, at 1.
Iniugay naman ni Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairman ng CKB, ang nabawasang iligal na aktibidad sa tumaas na kamalayan ng publiko, mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya, at lumalaking takot ng mga kandidato sa posibleng kaharapin nilang parusa.