dzme1530.ph

PBBM, pingungunahan ang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project sa Manila Hotel

Inilunsad ng gobyerno ang Philippine Multisectoral Nutrition Project na magpapalakas sa mga programa para sa pagtataguyod ng nutrisyon sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang launching ceremony sa Manila Hotel ng PMNP na proyekto ng gobyerno, Dept. of Health at Dept. of Social Welfare and Development, at suporta mula sa World Bank.

Bukod sa Pangulo, present din sa seremonya sina Health Usec. Maria Rosario Vergeire, NEDA sec. Arsenio Balisacan, DSWD sec. Rex Gatchalian, at BARMM chief minister Ahod Ebrahim, at World Bank Country Director for the Philippines Ndiame Diop.

Pumirma ang Pangulo kasama ang mga kalihim sa Commitment Wall.

Batay sa World Bank Human Capital Index, noong 2019 ay isa sa kada tatlong batang Pilipino edad apat pababa ang nakaranas ng stunting o pagiging pandak.

About The Author