dzme1530.ph

Kathryn Bernardo, may dalawang bagong movie projects

Inanunsyo ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang dalawang upcoming movie projects.

Halos apat na taon matapos ang Box-Office success ng “Hello, Love, Goodbye,” nakatakdang bumida si Kathryn sa “A Very Good Girl” kasama ang Award-Winning Filipina actress na si Dolly de Leon, at sa historical film na “Elene 1944.”

Ayon kay Kathryn, malapit na silang mag shooting para sa “A Very Good Girl” na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon.

Sa pelikula namang “Elena 1944,” inamin ng aktres na una itong inalok sa kanya noon pang 2019 subalit hindi pa siya handang tanggapin ang role bilang comfort woman, noong mga panahong iyon.

Kasama aniya sa mga kinonsulta niya para tanggapin ang pelikula ay ang kanyang ina at Boyfriend na si Daniel Padilla.

About The Author