Inihayag ni Bureau of Correction Dir. Gen. Gregorio PIO Catapang Jr. na planong gawing BuCor Global City ang 357 hectare na lupain ng Bureau of Correction sa Muntinlupa City.
Ayon kay Catapang parerentahan ang naturang lupain sa loob ng 25 taon para may magagamit sa pagpapatayo ng bagong building para sa paglilipatan ng mga bilanggo.
Binigyan diin ni Catapang na kailangan ng sapat na pondo para sa modernization program ng BuCor at gawin magaan ang kalagayan ng mga preso kung saan sila malilipat sa mga regional penal farm.
Ang 50 hectare na kabilang sa 357 hectare na lupain ay gagawing agri industrial para naman may mapagkukunan food supply.
Kasama sa plano ng BuCor ang pagtatayo ng Philippine Arena na may 30,000 capacity at mga commercial building sa lupain ng Bureau of Correction.