Bagama’t nangunguna sa pinakahuling senatorial survey ng Pulse Asia, aminado si Sen. Christopher “Bong” Go na hindi lubos ang kanyang kasiyahan.
Ito ay dahil sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagharap sa International Criminal Court.
Ayon kay Go, mistula siyang nawalan ng isang tatay sa pagkadakip kay Duterte.
Tiniyak naman ng senador na magpapatuloy lamang siya sa kanyang trabaho at pagseserbisyo partikular na sa mga programang medikal sa mga mahihirap na pasyente at usaping pangkalusugan.
Sa survey, lumitaw na 58.1% ng mga Pilipino ang nagsasabing iboboto si Go sa 2025 midterm elections.