Nanawagan si Sen. Alan Peter Cayetano sa publiko na ipagdasal ang bansa lalo’t nahaharap tayo ngayon sa crossroads o sangang daan.
Ito ay kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagsuko sa kanya sa kustodiya ng International Criminal Court para harapin ang kanyang kasong crimes against humanity dahil sa inilunsad na war on drugs.
Sinabi ni Cayetano na mahalaga rin na maigawad sa dating Pangulo ang lahat ng judicial process at remedies sa ilalim ng ating batas.
Importante din aniya na huwag mawala ang tiwala at pananalig ng publiko sa PNP kaya’t dapat ding ipagdasal ang pulisya upang gawin kung ano ang tama.
Sinabi pa ng senador na ipagdarasal niya ang kalusugan at kaligtasan ng dating Pangulo lalo’t may edad na ito.
Si Cayetano ay naging katandem ni dating Pangulong Duterte noong tumakbo sa pagkapangulo noong 2016.